Song Length |
4:55 |
Genre |
Pop - General |
Lyrics
Ano Kaya?
verse1
Sa gild ng mata ika'y nakikita,
Nakatingin sa 'kin habang papalayo.
Ano kaya kung hintayin ko ang iyong tawag?
Ano kaya kung ako'y lumapit iyo?
Ano Kaya kung ako'y lumapit,
Tanungin ang pangalan mo?
Ano kaya kung ako'y lumapit,
'Di kaya mabibigo?
verse 2
Sa gilid ng aking mata ika'y nasisilip.
Ang ngiti mo'y talo ang ulap sa ganda.
Ano kaya kung lalapitan ka't yayain
Sa alon tayong dalawa'y magpakilala?
Siguro kung ako'y lamapit,
Tinanong ang pangalan mo.
Siguro kung ako'y lumapit,
Sana ngayo'y magkasuyo.
chorus
Mga segundong pangyayari
Hindi napapansin.
Bawat segundong dumadaan
Pagkatao'y naglalaho rin.
Mga segundong pangyayari
Hindi napapansin.
Bawat segundong dumadaan
Pagkatao'y naglalaho rin.
verse 3
Sa mata mo nakikita ang lawak ng dagat.
Sa ngiti mo nakikita hugis ng buwan.
Sa haba at kulay ng iyong daliri,
Naaalala ang lambot ng buhangin.
Pero ako'y hindi lumapit,
Naduwag ang damdamin ko.
Pero ako'y hindi lumapit,
Pagkatao'y pinalipas ko.
repeat chorus
coda
Sa gilid ng aking mata naaalala,
Nakatingin sa 'kin habang papalayo.
Ano kaya kung hinintay ko ang iyong tawag?
Ano kaya kung ako'y lumapit sa iyo?
MUSIC & LYRICS by Sanchez/Cademcian/Westphal
(C) Copyright 2004 by Geoff Westphal & Gerard Cademcian & Miles Sanchez. ALL RIGHT RESERVED.