Song Length |
2:58 |
Genre |
Pop - Easy Listening |
Lyrics
Naghihintay
verse 1
Naghihintay pa rin kahit wala ka sa aking piling, sinta.
Naghihintay pa rin kahit tapos, giliw.
verse 2
Dito sa mundong kinagagalawan ko,
Dito kahit magisa.
Kahit maraming nakikitang iba
Nais ko'y ikaw pa rin sinta.
chorus 1
Naghihintay pa rin kahit tapos na.
Naghihintay pa rin kahit wala na.
Kahit pilit mang limutin tayong dalawa.
verse 3
Dito sa'king bintana'y nakadungaw.
Anino mo'y tinatanaw.
Hinahanaphanap ko halimuyak mo
Ngunit wala na pala.
chorus 2
Naghihintay pa rin kahit tapos na.
Naghihintay pa rin kahit wala na.
Naaalala ko nung minsa'y tayong dalawa.
verse 4
Higpit ng piling mo'y inaasam pa
Ngunit sadyang lumisan ka.
'Di na nagbalik tuloy ako'y naiwang magisa.
Ang nais ko'y
coda
Sana magbalik
Sana magbalik tuwina.
MUSIC & LYRICS by Sanchez/Cademcian/Westphal
(C) Copyright 2004 by Geoff Westphal & Gerard Cademcian & Miles Sanchez. ALL RIGHT RESERVED.